Bakit may mga pilipino parin na gustong magtrabaho sa ibang bansa kaysa sa Pilipinas?
May mga pilipino parin na gustong magtrabaho sa ibang bansa dahil nakikita nilang doon ay giginhawa ang buhay nila dahil doon nila makukuha ang sapat na pangangailangan ng kanilang pamilya. Karamihan na nagtatrabaho sa ibang bansa ay para sa kanilang pamilya na nangangailangan ng pang pinansyal para may makain sa araw araw ang kanilang mga anak. Hindi biro ang pagtatrabaho sa ibang bansa dahil hindi madali ang manirahan ng matagal sa hindi mo sariling bansa. Hindi mo kauri ang mga taong nakapaligid sayo, hindi mo sila kilala, at hindi mo rin alam kung ano ang pwedeng gawin nila sayo. Mahirap ang pagtatrabaho sa ibang bansa bilang OFW dahil sa pangungulila mo sa iyong pamilya at mga minamahal. Habang ang naiwan mo namang pamilya ay nag aantay ng pang sustento galing sa iyong pinag hirapan. Hindi lahat ng OFW ay masweswerte, may mga OFW na napapagbintangan ng mga bagay bagay na hindi naman nila ginawa o hindi naman nila kasalanan. Kayod kalabaw ang karamihan sa mga manggagawang Pinoy saan man sa mundo, upang makapag-ipon ng malaki at maipadala sa pamilyang naghihintay sa bansang sinilangan. Kahit sobra na ang pangungulila sa pamilya, binabalewala na lamang ito at itinutuon ang atensyon sa pagtatarabaho. Hindi madali ang maging OFW. Dahil mag-isa kang haharapin ang buhay sa ibang bansa, walang ibang kikilos para sayo kung hindi ang sarili mo. Mula sa paghahanda ng damit na isususot para sa trabaho, pagkain at kung ano-ano pa na di mo maaaring iasa sa iba.
Bakit malaki ang bilang ng mga OFW?
-Maaaring ilan sa mga kadahilanan ay ang kakulangan ng oportunidad ng trabaho sa bansa at ang maliit na pasahod ng mga kumpanya. Kaya naman marami sa mga kababayan natin ang napipilitang mangibang-bayan at nakikipagsapalaran sa ibang bansa upang maitaguyod ang pangangailangan ng pamilya. Tayong mga Pinoy ay handang magsakripisyo na malayo sa mga mahal natin sa buhay alang-alang sa kanilang kapakanan, ang maibigay sa kanila ang kanilang pangangailangan at maranasan ang marangyang buhay. Sa sobrang pagmamahal natin sa kanila, ginagawa natin ang lahat ng ating makakaya para may sapat na maipadala sa pamilya. Tayo ay maituturing na pinaka-masipag , pinaka-magaling at pinagkakatiwalaan na manggagawa, kaya naman tayo ay kinikilala saan man sulok ng mundo. Ngunit nakakapagtaka lamang dahil sa kabila ng ating talino at kakayanan, ay marami pa rin sa ating mga kababayan ang umuuwing luhaan.
Karamihan sa ating mga OFW ay matatawag na
mga bagong bayani ng ating bansa dahil sa kanilang malaking
papel sa pag-unlad ng ekonomiya, mayroon ding ilan na
matatawag nating salbahe. Sila ang sumisira sa
ating pagkatao bilang mga Pilipino. Sila ang nagbibigay ng
kahihiyan sa ating mga kababayang OFW na nagpapakahirap sa
ibang bansa. Pati na rin tayong naririto sa Pilipinas ay
nadaramay dahil sa mga kahihiyang ginagawa ng mga OFW na
tulad nila. Dahil dito, ang ibang Pilipinong nagtutungo sa ibang
bansa ay itinuturing na parang mga kriminal. Hindi lang ito, ang kasamaang kanilang
ginagawa ay maaaring magbanta sa magandang pakikipag-ugnayan ng ating bansa sa mga
bansang pinagtatrabahuhan nila.
Isa sa pinakamalubhang suliranin ng ating bansa at ng iba pang bansa ay ang
pagpasok ng mga ilegal na OFW. Dahil sa kawalan ng mga dokumento o
papeles, palaging nagtatago ang mga Pilipinong ito sa mga awtoridad sa bansang
kanilang pinuntahan. Kalimitan, sila’y mga biktima ng mga ilegal na employment agency o recruiter.
Bukod dito ay may mga indibidwal na nagkukunwaring mga ahente ng mga employment
agency sa ibang bansang nangangailangan ng mga trabahador. Sila ay nangangalap ng
mga kababayan natin para mangibang bansa. Malaki ang hinihinging halaga ng mga
taong ito sa mga hindi nagsususpetsang kababayan natin na gustong mag-OFW.
Narito ang ilan sa mga problemang maaaring masangkutan ng mga OFW.
♦ Hindi sila mabibigyan ng nararapat na proteksiyon ayon sa batas ng bansang
kanilang pinagtatrabahuhan kung sakaling kakailanganin nila ito.
♦ Maaari silang abusuhin ng kanilang mga amo.
♦ Maaaring hindi sila bayaran nang naaayon sa nakasaad sa kontrata.
♦ Maaaring pagtrabahuhin sila nang lagpas na sa nakatakdang oras nang walang
overtime pay.
♦ Maaaring hindi rin ipagkaloob sa kanila ang iba pang nakasaad sa kontrata
gaya ng libreng pabahay at iba pa.
Lahat ng ito ay aking nababalitaan sa telibisyon kung saan kalimitang napapagusapan ang mga isyung kinakasangkutan ng mga OFW na nakikipagsapalaran sa ibang bansa.
Lahat ng ito ay aking nababalitaan sa telibisyon kung saan kalimitang napapagusapan ang mga isyung kinakasangkutan ng mga OFW na nakikipagsapalaran sa ibang bansa.
Halimbawa na lamang ay si Flor Comtemplacion?
Dahil sa kahirapan ng buhay ay napilitan si Flor na
magtungo sa Singapore upang maglingkod bilang kasambahay. Iyon ang napili
niyang paraan upang matugunan ang mga pangangailangan ng kaniyang pamilya.
Hindi gaya ng ibang kasambahay, si Flor ay trinatong mabuti
ng kaniyang mga amo, subalit ang magandang kapalaran ni Flor ay biglang nagbago
nang maakusahan siyang pumatay sa kapwa niya kasambahay at sa anak na lalaki ng
kaniyang amo. Ang hatol na kamatayan ng hukuman ng Singapore ay tinumbasan ng
matinding simpatiya at protesta mula sa mga kapwa Pilipino na naniniwalang
inosente siya. Maging ang gobyerno ng Pilipinas ay umapela upang magkaroon ng
mas malalim na imbestigasyon ngunit naging matigas ang desisyon ng gobyerno ng
Singapore at natuloy ang hatol na kamatayan kay Flor.
Isinapelikula din ang buhay ni Flor at ang mga gumanap ay sina
- Nora Aunor - Flor Contemplacion
- Julio Diaz
- Jacklyn Jose
- Vina Morales - Russell Contemplacion
- Ian de Leon
- Charito Solis
- Ronaldo Valdez
Kaso ni Mary Jane Veloso.
Si Mary jane ang kasalukuyang napabalita dahil sa kaso nito tungkol sa droga. Maraming proseso ang ginawa at mga paraan na pinagpursigi ng pamahalaan upang siya ay hindi bitayin.



No comments:
Post a Comment